Isang magandang balita para sa karamihan ang muling pagbubukas nang libre ng National Museum. Isa itong hakbang ng ahensya para maibalik ang interes ng mga tao pagdating sa usapin ng sining at kultura. Muling hinihikayat ng National Museum ang mga tao tignan ang mga likhang sining ng ating bayan, habang ito’y patuloy na humaharap hamon ng nagbabagong panahon at teknolohiya.
Binubuksan na rin ito ng libre dati tuwing Pebrero dahil sa Art’s Month. Nakakatuwang isipin kung ilan ang pumupunta dati sa National Museum kapag nagbubukas ito ng libre o hindi. Malamang, kapag Pebrero itinataon ng mga pribadong eskwelahan ang kani-kanilang Educational Field Trip para maisama sa listahan ng pupuntahan ang National Museum. Dagdag biyahe na hindi sila gagasta.
Marami namang art museum sa bansa na nagbubukas ng libre. Sa Baguio, maraming mga local artist na nagbubukas ng libre para ipakita ang kanilang mga likhang sining. May bayad ang ilan sa kanila para matupad ang pagmementina ng museum. Sa Maynila, halos ganoon din. Minsan may bayad. Minsan libre. Minsan kapag may launching, mag pagkain at inumin pa. Pero meron ding mga museum na hindi binukas sa publiko, kundi para sa iilang mga tao lamang. Dito madalas makita ang mamahaling likha. Karamihan sa mga ito ay napupunta sa mga may kayang bumili para maging dikurasyon sa bahay. Kaya minsan ang isang maingay na likhang sining ay napapatahimik ng isang bahay na kayang gawing produkto sa merkado ang lahat ng bagay.
Ang pagbubukas nang libre ng National Museum ay isang maganda hakbang. Pero ito rin ang isa mga senyales sa patuloy na hamon para sa sining ng ating bansa. Isang hamon kung paano haharapin ang banta ng mga smartphones at makabagong gadgets tulad ng VR o virtual reality kung saan baka isuot na lang natin sa ating mga mata ang kulturang nililok ng ating kasaysayan at panahon. Ang kaabang-abang ngayon ‘yung Pokemon Go. Sana lahat ng pokemon itambak nila sa National Museum o kaya sa National Library. Sana huwag silang maglalagay ng kahit isang pokemon sa mga malls. Sana makipagtulungan na ang gobyerno sa nintendo kung paano makikihayat ang mga taong magbalik tanaw sa ating kultura at kasaysayan.