Sacred and Commons

Water resources is crucial to the human and economic development of societies. It serves different purpose from household to large facilities. Some of these include sanitation, drinking water, transportation, energy and construction sector. On the other hand, there are traditional values that look on water system as part of the sacred, and it cannot be owned by any private individuals, as it is owned by the spirits (Kho and Sano 2005). Water is considered to be an important element of ecological life that performs physical and biological functions (Ast, Bouma, & Bal, 2008). In modern times, there are many things needed to be considered in maintaining the health and sacredness of water systems and natural resources. One aspect is that the growing population can increase the negative externalities leading to the degradation of natural resources.


The environmental degradation was characterized by Garrett Hardin (1968) as the tragedy of the commons. In his article, Hardin argued that an open-access of commons may lead to overexploitation, without considering the scarcity of its resource. Hardin illustrates his model in the case of herders in an open field. Each herder wants to increase their productivity by increasing their animal in the field. But as they increase their animal, it also produces harmful effects to the common field. Hardin argued that “the social arrangements that produce responsibility are arrangements that create coercion, of some sort”. There is a need to regulate the actors in using the commons by employing a coercive device (taxing).


On the other hand, Ostrom is concerned about how self-governing communities can manage their commons for the benefit of all, and to prevent the tragedy of the commons. According to Ostrom (1990), “common-pool resource refers to a natural or man-made resource system that is sufficiently large as to make it costly, but not impossible, to exclude potential beneficiaries from its use”. Although, Ostrom warns that there will be no single solution. Every common has its own situation and cultural context. There may general principles that can be shared and craft according to the need of the common. But there are also “blueprints” applicable only in the physical and cultural environment of a certain common (Ostrom, 1990).


For Ostrom (1990), it is essential to distinguish the difference between resource systems and resource units in explaining the condition a CPR.  Examples of resource systems are parking areas, fishing grounds, dams, or groundwater basins. While the resource units are the benefits and goods that individuals get from the resource system, like space provided by parking areas, fish harvested from fishing grounds, or water supply from dams. In accessing the CPR, Ostrom called the process as appropriation or “withdrawing resource units from a resource system”. While “providers” are the one who is assigned to arrange the provision in using the CPR (e.g. financing and designing). She used the term producer for those who “construct, repair and or takes action that ensures the long-term sustenance of the resource of system itself.”


Ostrom is also aware that both man-made and natural resources will lead to degradation. The limit of resource units can be managed if the appropriators will be able to devise their own rules and sanctions. It could be a trial and error scenario until the self-governing bodies can identity applicable rules based on their own cultural and physical environment.


La Mesa Watershed as Common

In 2007, Proclamation No. 1336 established the La Mesa Watershed Reservation under the joint administration of the DENR and the MWSS (MWSS Annual Report 2015). The La Mesa Watershed has a total land area of 2,700 hectares that provides drinking water for the majority of Metro Manila.


One of the initiative to protect the watershed is through the rehabilitation of the La Mesa Eco Park. The eco park was rehabilitated through the partnership of Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS), Quezon City government and ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) –  Bantay Kalikasan. During the rehabilitation, there is a total of 620,800 trees planted in the La Mesa Watershed that covers 98.3 percent of its land area.


As part of the rehabilitation process, the agencies relocated families whom they considered as one of the pollutants of the watersheds. According to an interview with Dave Azurin, project manager, the informal settlers “depended on the watershed’s resources to make a living, so they cut trees for lumber, charcoal or firewood”. Moreover, families were relocated in nearby areas, and free housing were also provided by the MWSS (AFP 2015).


However, the agencies involved in the relocation should monitor and evaluate the situation of relocated families. The former residents should be considered as stakeholders in the rehabilitation process. It is significant to evaluate if the families were able to build their own opportunities after relocation.


In sustaining the current effort, there must be a coherence of rules and activities (security, waste management) between the actors involved (stakeholders, residents, private property holders and LGUs) within the watershed.  Moreover, effective and efficient water management should identify multiple factors and actors involved (Lindemann as cited by Orlove and Canton 2010).

The national and local government must consider these various groups involved, and must realize how people put value in the water system.

Prohibitions and restrictions can be applied to some recreational activities in the watershed like swimming, fishing and boating. Although, public access and some of the activities are allowed in the La Mesa Eco Park. In relation, the ecotourism in the La Mesa Eco park is considered to be a form of alternative tourism that aims to achieve economic gain by watershed preservation. The economic gains are shared to the MWSS and QC government. However, there should also remember that gaining high level of visitation in the ecopark may disturb the local ecological lifestyles and practices. Furthermore, the agencies may employ strict standards in maintaining the current state of the nature park. For example, they can restrict the number of visitor per day. The implementation of such regulation can help them understand the capacity of the eco park. While, the national government can employ a rating system for the agencies involved in the management of the eco park. This can help them evaluate their current practice, and align their regulations with each other. At the local level, LGUs must also increase the involvement of local groups in the different ecotourism enterprises.


In the final note, there are wide range of agencies and process involved in the protection of the La Mesa Watershed. The national and local government must consider these various groups involved, and must realize how people put value in the water system.




Ast, J., Bouma, J., & Bal, M. (2008). Governance Values of Water System in Netherlands and India. Retrieved from https;//

Hardin, G. (1968). The Tragedy of the Commons. Science, 162, 1243-8.

Orlove, B., & Caton, S. (2010). Water Sustainability: Anthropological Approaches and Prospects. The Annual Review of Anthropology, 39, 401-15.

Ostrom, E. (1990). Governing the Commons: The evolution of institution for collective action. London: Cambridge University Press.

*If you have any comments on how to improve this entry, please send them to me through or you can just comment on the box below. I will appreciate any comments from you, and I will properly acknowledge your contributions. Thank you! 



Marami tayong piyesta. Sanay tayo sa mga masasayang pagsasalo-salo. Kapag may dumadating na kamag-anak mula abroad, kadalasan naghahanda ang pamilya nito. Kung minsan, pati ang komunidad ay nakikisama sa paghahanda. Isang senyales na sila’y kabahagi rin sa tagumpay ng kababayang galing sa labas.

Kapag Enero, sa Tondo, pinagdidiwang ang piyesta ng Sto. Niño. Halos lahat naghahanda. Maliit man o malaki. Pagtakatapos ng bagong taon at Pasko, karamihan sa mga taga-Tondo ay nagsisimula na ulit mang-utang o magtipid bilang paghahanda sa piyesta. Malaking bagay ito para sa kanila bilang simbolo nang pasasalamat. Simbolo rin ito ng kasiyahan sa gitna nang pang araw-araw na problema. At simbolo rin ito ng prestige sa mga kapitbahay. Isang mensaheng “kaya rin naming maghanda”.

Mahilig nga tayo sa mga ganitong event. Sa mga eskwelahan ay kadalasan may ganito rin. Sa UST meron taunang Paskuhan. Halos isang buong taon yata itong pinag-iisipan ng mga officers ng student council kung paano mas mahihigitan ang nakaraang paskuhan. Ang madalas inaabangan dito ng mga estudyante ay mga fireworks na maaring maging sanhi ng sunog sa mga karatig na bahay ng unibersidad. Pero hindi naman talaga mahalaga ‘yun para sa mga nanonood. Kamangha-mangha kasi ang liwanag sa pinasasabog ng mga paputok. Ang mahalaga maipakita ng unibersidad na kaya nilang gumasta ng ilang halaga para sa kasiyahan ng mga estudyante at mga nanonood sa labas ng unibersidad. Prestige.

Noong nakaraan, nagkaroon din ng pagdiriwang sa UP Diliman. Ang UP Fair ay taunang din ginagawa. Kaibahan lang nito sa paskuhan, puwedeng pumasok ang mga hindi estudyante ng UP basta magbabayad ka lang.

Halos isang linggo ang paghahanda sa venue. Sa gitna ng Sunken Garden, may mga nakaharang na yero. Sa loob nito halo-halo ang mga rides para sa mga nakapasok sa loob. Perya kumbaga ang tema. May mga banda rin silang iniimbita para pampataas ng mood ng mga estudyante. Hindi katulad sa UST. Mas madaling sabihin na halo-halo ang mga taong pumupunta rito. Hindi lang ito eksklusibo sa mga estudyante ng UP Diliman.

Dati. Simple lang ang UP Fair. Basta may banda lang na tugtog. Sasabayan ng mga estudyante. Open Field. Okay na. Wala pa masyadong mga rides. Kung tutuusin mas prestige para sa UP ang lantern parade, dahil dito mas naipapamalas ng mga estudyante ang kanilang pagiging malikhain at saloobin sa pambasang isyu.

Ang UP Fair din ay simbolo para mga estudyante ng UP nang kanilang malikhaing diwa. Sa labas ng Sunken Garden, makikita ang iba’t ibang artworks. Meron sa tapat ng Vargas. Meron sa tapat ng FC at Quezon Hall. At kung saan-saan pa.

Ang Pebrero ay buwan ng sining. Pero ito rin ang buwan para maging bukas ang unibersidad sa iba’t ibang aktibidad tulad nang UP Fair.

Pero hindi rin talaga maiiwasan ang pang-kalimut sa esesya ng mga selebrasyon na ito. Sa Tondo, kadalasan ang nangyayari nag-iinuman at nagkakasakitan. Ang masayang umaga ay mauuwi sa madugong gabi. Sa UST, ang mataimtim na misa ay nauuwi sa maiitim na pulbura. Sa UP, nauwi sa isang malaking basurahan ang Sunken Garden.

Malinaw naman sa atin na tinuring na nating basurahan ang bansa. Ang mga estero pa lang ay hindi na natin nirespeto noon pa man. Malamang ganito rin ang nangyari sa Sunken Garden. Ang lugar kung saan may nakikitang mag girlfriend-boyfriend na naglalambingan. Mga estudyanteng nagdidiskusyon tungkol sa maraming bagay. Pero kinaumagahan mga magkapatong na basura ang magkikita. Lumabas na rin sa social media ang pagkagulat at pagkainis ng ilang netizen na para sa kanila sagrado ang lugar na ito.

It seems that people who attended the event has no sense of ownership with the place. Kaya naman ganun na lang nila iniwan ang mga basura. Ano ba talaga ang problema? Dahil wala masyadong basurahan? Wala masyadong babala tungkol sa wastong pagtatapon ng basura? Nagkulang ba sa palala bago magsimula ang event?

Kinaumagahan, makikita na may mga naglilinis na estudyante. Nakakatuwa rin naman dahil may pagkukusa mula sa kanila. May kanya-kanya silang glabs para pulutin ang mga basura.

By just mere cleaning the sacred place will only reinforce the idea that somebody will take care of it, and ready for another exploitation.

Marami sila. Kaya naman wala pang pananghalian halos mababalik na sa dati ang Sunken. Bakas din ang mga gulong na bumaon sa paligid nito. Ang mga putik at mga bakas na naiwan sa gitna ng kalsada. Patunay na nagulo ang sistema at highway ng mga bulate sa ibaba at itaas ng Sunken.

Walang masama sa ganitong pagtitipon. Pero. By just mere cleaning the sacred place will only reinforce the idea that somebody will take care of it, and ready for another exploitation. Hindi lang natatapos sa paglilinis ng Sunken Garden ang kagustuhan ibalik ang pagiging sagrado nito. Minsan nang nawalan ang UP ng mga sagradong lugar tulad ng isang kantina at Faculty Center. Sigurado naman na ayaw natin ulit mawalan ng isang sagradong lugar.

Sana ibalik ang dating ritwal sa paggamit ng Sunken Garden. Hindi mahalaga ang mga rides kung ang kapalit nito ang pagwasak sa mga daan ng mga bulateng nanahimik mamuhay sa kanilang Edsa. Kung magpapatuloy ang mga ganitong pagtitipon, hindi lang bulate ang mawawalan ng kasiyahan. Pati ang mga naglalaro sa damuhan. Mga nagjojogging na nakikisinghot sa singaw ng damuhan. Kung talagang hindi kill joy ang mga nag-organisa, sana unang isipin kung paano mananatili ang Sunken sa anyong nagagamit ito ng mga estudyante bilang daluyan ng mga ideya. Mga lupang mauupuuan. Malinis na damuhan.

Ang tunay na prestige ng Sunken Garden ay ang maging paanakan ng mga hindi pang naipapanganak na mga ideya. Hindi kailanman ang mga event na isang aborsyonista at oportunista ng sagradong bahay-bata ng mga ideya.


Ang labis na pagkamulat sa teknolohiya at makabagong panahon ang unti-unting naglalayo sa ating bilang tao. Ang problema natin ay hindi lang basta nakasalalay sa usapin nang pag-unlad. Malaking bahagi nito ay ang usapin ng modernisasyon.

Mapalad akong nakadalo sa nakaraang “Ako Para sa Bata International Conference” noong 1-2 Disyembere 2016 na in-organisa ng Child Protection Network. Ang tema para sa taong ito ay pinamagatang Stressed? Coping, Recovery, and Healing.

Kung pagbabatayan ang tema, malinaw kung ano ang mensahe para ngayong taon na ito, ang pangalagaan ang ating kaisipan. Ang kalusugang pangkaisipan ay mahalaga aspeto para makapag-isip tayo sa araw-araw. Nakabatay dito ang mga mahahalagang desisyon natin para sa kasalukuyan at hinaharap. Pero ang usapin ng mental health ay hindi lamang dapat iugnay sa usapin ng sarili. Lagi itong nakaugat sa malalaking istruktura ng ating lipunan tulad ng midya, simbahan, paaralan at gobyerno.

Mahalagang usapin ito dahil marami na sa atin ang nababad ngayon sa makabagong pamumuhay. Ang labis na pagkamulat sa teknolohiya at makabagong panahon ang unti-unting naglalayo sa ating bilang tao. Ang problema natin ay hindi lang basta nakasalalay sa usapin nang pag-unlad. Malaking bahagi nito ay ang usapin ng modernisasyon. Tayong lahat ay sangkot. Tayong lahat ay nagiging alipin nito.

Sabi nga ni Emile Durkheim, isang sosyologo, ang makabagong pamumuhay ay nagdudulot ng isang sakit sa lipunan. Maraming aspeto ang sakit na kanyang tinutukoy, pero isa na rito ang usapin ng kawalan ng disiplina. Ang paglimot sa mga nakagawiang disiplina at ritwal ay maaring magdulot ng maraming klaseng tensiyong panlipunan at pansarili.

Isa sa mga tensiyon na ito ay pagbili ng mga tao sa mga bagay na hindi nila kailangan. Dahil dinidikta ng kasalukuyang panahon ang pagbili sa makabagong uri ng gadget, hindi magdadalwang isip ang mga tao na gumasta sa mga ito. Kailangan nilang sumang-ayon para masabi nila sa kanilang sarili na parte pa rin sila ng malaking lipunan. Pero hindi nila namamalayan na ito rin ang unti-unti kakain ng kanilang panahon at oras, at makakalimutan mag muni tungkol sa mga mahahalagang aspeto ng kanilang sarili.

Bukod sa material na bagay, tumataas na rin ang kalidad at labanan sa larangan ng trabaho. Halos dapat lahat ay magkaroon ng masteral at doctorate kung nais mong magturo sa kolehiyo. Kung nasa larangan ka naman ng siyensya, kailangan mo magdaan sa sandamakmak na pagsasanay para lang masabi kang lehitimong nurse o physical therapist.

Kailangan itong gampanan ng isang makabagong indibidwal. Kung hindi nila ito magawa, malaki ang epekto nito sa kanilang kalusugang pangkaisipan. Maari itong mauwi sa depresyon o pagpapakamatay. Sabi nga rin ni Durkheim, ang pagpapakamatay ay hindi lang isang indibidwal na desisyon. Malaki ang kontribusyon ng komunidad at lipunan kung bakit nauuwi ang isang tao sa pagpapakamatay.

Marahil dito na ulit papasok ang aspetong inihain sa atin ni Durkheim, ang disiplina. Pero bukod sa disiplina, maaring din nating buksan ang isipan sa pagpapakumbaba. Puwede naman tayo maging masaya sa maliliit na bahagi ng ating buhay labas sa sinasabi sa atin ng malaking lipunan.

Gusto ni Durkheim na hamunin ang agos na dala ng modernisasyon. Kailangan mangibabaw pa rin sa atin ang pagiging tao. Isa pa sa kanyang nasabi sa kanyang teorya ay ang usapin ng ritwal. Ang mga ritwal ay madalas nating makita sa iba’t ibang uri ng simbahan. Sa Katoliko, nand’yan ang pag luhod sa harap ng mga santo at pagkain ng ostiya. Halos lahat ng relihiyon ay may kanya-kanyang ritwal. Dahil ang mga ito ang isa sa paraan para mapatibay ang kanilang relasyon sa kanilang simbahan at paniniwala.

Pero labas sa simbahan, marami rin tayong mga ritwal na nagpapalakas ng relasyon sa ating komunidad at pamilya. Katulad na lang ng pagmamano at sabay na sabay na pagkain tuwing hapunan. Kaya lamang, dala na rin ng modernong pamumuhay unti-unti itong nawawala. Ang pagmamano para sa ilan ay “jologs” o ‘di kaya nahihiya na sila itong gawin dahil natatakot silang maasar na “sobrang galang mo naman”. Ang sabay-sabay na pagkain ay hindi na rin masyadong nasusunod dahil lumabas na ang maraming fast food.

Ganunpaman, meron pa rin naming mga pamilyang ginagawa ang mga ritwal na ito. Pero karamihan sa atin ay nakakalimutan ang ilan sa mga ito.

Hindi nga biro ang usapin ng kalusugang pangkaisipan. Dito natin ihuhulma ang mga desisyon magtatag sa atin bilang isang bansa. Sa kasalukuyan, marami tayong problema kinakaharap tulad ng droga at krimen. Malaking salik nito ay ang usapin ng ating isipan.

Maganda balikan natin kung saan ba tayo nagsimula bilang isang bansa, bago natin kinaharap ang ganitong klaseng mga problema. Mga panahong hindi pa tayo mulat sa isyu ng droga, marahil doon natin makita ang kaisipang hinahanap natin. Mga ritwal na muling nating madidiskubre. Mga ritwal na nilubog sa limot dahil sa makabagong pamumuhay.

PAGTATAE at ilang repleksyon tungkol sa D.R.G.S

Dahil nasanay tayo sa mabilisan. Pinagbigyan tayo ng panahon at pagkakataon. Sana lang ‘wag tayo multuhin nang mitong tayo rin ang mismong humiling.

Masarap magbasa nang balita kapag maraming litrato. Masarap magbasa kapag paunti-unti lang ang pasok ng mga mabibigat na impormasyon tungkol sa krimen, ekonomiya at trabaho. Ito ang tungkulin ng social media, ang tigahatid ng mga mabibigat na balita sa pinakamagaan na pamamaraan. Kaya naman maraming nahahatak na mambabasa ang facebook.

Kung papansinin halos lahat ng mga naglalakihang pahayagan sa ating bansa tinutularan ang pamamaraan ng facebook at iba pang social media. Hindi man nawala ang broadsheet at tabloid sa ating mga kanto ng eskinita, nagkaroon naman ang mga pahayang ito nang kani-kanilang social media account. Panay ang update sa mga bagong isyu panlipunan. Kanya-kanya sila ng live broadcast kapag may mga hearing sa senado.

Dito rin mukhang nakuha ng Rappler ang kanilang mambabasa. Malinaw ang kanilang hatak sa mga estudyante. May iba-iba silang paraan kung paano malalaman ang pulso ng kanilang mambabasa sa pamamagitan ng pagbibigay nang iyong pakiramdam sa binasa: happy, sad, angry, at iba pa (emoji ang katumbas sa facebook).

Ang pamamahayag ng emosyon ang uso ngayon. Halos lahat gustong makisangkot at magbigay ng kanilang kuro-kuro. Kaya naman ang mga maliliit na detalye tulad ng emosyon ay hindi pinalagpas ng mga online newspaper.

Wala masamang sa kanilang paraan. Isa itong magandang daan para maibalik ang interes ng mga tao na makisangkot sa malalaking isyung panlipunan. Pero laging may kapalit ang kaginhawaan.

Tayo ngayon ay nabubugbog sa maraming impormasyong hatid ng social media. Ilang beses na rin itong nabanggit ng mga eksperto na ang age of information ay isang hamon sa ating nagbabagong panahon. Sabi nga ni Lamberto Antonio, busog tayo sa mga impormasyon pero hindi natin alam kung paano natin tutunawin ang mga ito. Dito na papasok ang konsepto nang pagtatae.

Sa dami nang ating nalalaman hatid ng social media, nagtatae na ang utak natin sa mga impormasyon na ito. Tulad nang tae, sa butas din lumalabas ang mga impormasyon na ito, sa ating mga bibig. Pero sa ngayon, hindi lang tayo basta nakukuntento na masabi sa ating mga kakilala ang mga impormasyong ating nalalaman. Nilalabas na rin natin ito sa ating mga online account.

Hindi tayo mapipigilan sa pag post at pag tweet ng mga ating nalalaman. Pakiramdam natin kapag hindi  natin ito labas, parang ang sama nang ating pakiramdam. Tulad ng impacho, aalisin natin ang mga kabag sa ating utak. Hindi natin ito hinahayaan matulog sa magdamag. Nilalabas natin ito nang buong emosyon. Minsan hindi na natin batid ang ideolohiyang pinanghahawakan ng mga “kaibigan” natin sa facebook. Dahil ang mahalaga sa atin ay mailabas ang mga ito.

Kung iisipin natin, isang malaking imburnal pala ang social media. Nandito ang iba’t ibang klaseng emosyong gusto nating itapon at ipaalam sa mundo. Mga impormasyon tingin natin ay importanteng malaman ng mundo. Dahil ang mga ito ay hinugot natin sa ating mga emosyon at mga kaisipang may halaga sa atin bilang tao. Isyung panlipunan. Bookreview. Moviereview. Siyempre, pag-ibig. Kabilang na rito ang wordpress na gamit ko ngayon.

Dahil magaan ang paraan ng pamamahayag, hindi malabong maging magaan din ang trato sa mga isyung kinakaharap natin na kinakailangan nang mas maiging pag-iisip at pagkukuro. Unti-unti nawawala ang konsepto nang pananaliksik sa mga kuwentong buhay. Parang lahat tayo ngayon ay may hawak na gunting tuwing linggo.

Hindi masamang makialam. Lalong maganda kung lahat ay may kanya-kanyang pagtingin. Pero sana ‘wag sana natin isalang-alang ang konsepto nang pag-iisip at pagkukuro. Hindi lang emosyon ang batayan para makisangkot.


Sa usapin ng droga, tila nakakabahala ang nagbabagong pagtingin natin sa buhay. Kadalasan nagkakaroon nang kaginhawaan ang mga netizen kapag may nakikitang bagong balitang may pinatay na tulak. May ilan na magbibigay nang kanilang komento laban sa mga serye nang pagpatay. Pero agad itong tatanungin “Bakit naawa ba sila sa mga pinatay nila?” Ngipin sa ngipin. Mata sa mata. ‘Yan ang namumutawing kaisipan ngayon para masugpo ang usapin ng droga.

Ang isyu ng droga ay maraming salik na dapat harapin. Hindi lang ito isyung pang indibidwal. Isa itong malaking isyung lahat tayo ay sangkot. Rehabilitasyon. Kulungan. Pulis. Hindi lang ito basta kung sino ang nahuhuli o hindi nahuhuli. Hindi lang ito basta isyu nang pagpatay o papatayin pa. Malalim ang ugat nito at hindi dapat basta-basta hinuhugot sa kinatataniman nito. Maraming dapat pag-isipan.

Dahil nasanay tayo sa mabilisan. Pinagbigyan tayo ng panahon at pagkakataon. Sana lang ‘wag tayo multuhin nang mitong tayo rin ang mismong humiling.

Sana ‘wag tayong bumalik sa barbarismo. Hindi ko alam kung kaya pa nating panindigan kapag nandoon na ulit tayo sa gaanong estado. Sana kaya talagang itaya nang mga tao ang kanilang mga suso at itlog oras na dumating tayo sa oras na ‘yun. Sana kaya pa rin nilang panindigan ang kanilang tinataya ngayon.

Ang mga pokemon sa loob at labas ng National Library at National Museum

Sana lahat ng pokemon itambak nila sa National Museum o kaya sa National Library. Sana huwag silang maglalagay ng kahit isang pokemon sa mga malls.

Isang magandang balita para sa karamihan ang muling pagbubukas nang libre ng National Museum. Isa itong hakbang ng ahensya para maibalik ang interes ng mga tao pagdating sa usapin ng sining at kultura. Muling hinihikayat ng National Museum ang mga tao tignan ang mga likhang sining ng ating bayan, habang ito’y patuloy na humaharap hamon ng nagbabagong panahon at teknolohiya.

Binubuksan na rin ito ng libre dati tuwing Pebrero dahil sa Art’s Month. Nakakatuwang isipin kung ilan ang pumupunta dati sa National Museum kapag nagbubukas ito ng libre o hindi. Malamang, kapag Pebrero itinataon ng mga pribadong eskwelahan ang kani-kanilang Educational Field Trip para maisama sa listahan ng pupuntahan ang National Museum. Dagdag biyahe na hindi sila gagasta.

Marami namang art museum sa bansa na nagbubukas ng libre. Sa Baguio, maraming mga local artist na nagbubukas ng libre para ipakita ang kanilang mga likhang sining. May bayad ang ilan sa kanila para matupad ang pagmementina ng museum. Sa Maynila, halos ganoon din. Minsan may bayad. Minsan libre. Minsan kapag may launching, mag pagkain at inumin pa. Pero meron ding mga museum na hindi binukas sa publiko, kundi para sa iilang mga tao lamang. Dito madalas makita ang mamahaling likha. Karamihan sa mga ito ay napupunta sa mga may kayang bumili para maging dikurasyon sa bahay. Kaya minsan ang isang maingay na likhang sining ay napapatahimik ng isang bahay na kayang gawing produkto sa merkado ang lahat ng bagay.

Ang pagbubukas nang libre ng National Museum ay isang maganda hakbang. Pero ito rin ang isa mga senyales sa patuloy na hamon para sa sining ng ating bansa. Isang hamon kung paano haharapin ang banta ng mga smartphones at makabagong gadgets tulad ng VR o virtual reality kung saan baka isuot na lang natin sa ating mga mata ang kulturang nililok ng ating kasaysayan at panahon. Ang kaabang-abang ngayon ‘yung Pokemon Go. Sana lahat ng pokemon itambak nila sa National Museum o kaya sa National Library. Sana huwag silang maglalagay ng kahit isang pokemon sa mga malls. Sana makipagtulungan na ang gobyerno sa nintendo kung paano makikihayat ang mga taong magbalik tanaw sa ating kultura at kasaysayan.

Kuha mo? Kopya!

Likas talaga sa tao ang pagiging malikhain sa paghimay ng mga salita para maihayag nila ang gustong sabihin. Inaayon ito batay sa gamit at konteksto nang nagsasalita.

May kanyang-kanyang kulay ang mga salita. May iba-ibang anyo. May iba’t ibang bigat at gaan. Nag-iiba rin ito ng mga konteksto batay na rin sa gustong pairalin ng gumagamit nito. Kung minsan, may mga binabagayan din siyang lugar at panahon. Kung minsan, dinadaan sa mga senyas ang pag-aabot ng mga salita sa isang kaus.

Sa pagkokomyut araw-araw, maraming paraan ang mga drayber para makaiwas sa trapik at mga buhaya gamit ang kanilang lenggwaheng drayber. May kanya-kanya silang mekanismo at senyasan para maiwasan ang mga tinuturing nilang hadlang sa kanilang paghahanap buhay.

Sa Tayuman, kapag may inspeksyon ang LTFRB ng anti-smoke belching kanyang-kanyang senyasan o sigaw ang mga drayber. Pasahan ng mensahe sa makakasalubong na drayber.

Iba naman ang istilo ng mga drayber sa UV Express. Sa araw-araw na pagsakay panigurado kahit sino mapapansin ang kanilang radyo malapit sa kambyo.


“Kuha mo 5-7?”


Madalas ang kanilang usapan. Naghuhudyat ng mga “buhayang” nag-aambang sa kanilang kita. Mga trapik na babalakit sa kanilang biyahe.

Ilan lang ito sa mga napapansin kong ginagamit nilang salita:
Sierra Madre = S.M. Fairview
Titanic = Bus
Karera = Walang Trapik, maluwag ang kalsada
Kalakal = Kukuha ng pasahero
Maliit na bilog = Welcome Rotonda
Malaking bilog = Quezon Memorial Circle
Pantalon = Pantranco

Likas talaga sa tao ang pagiging malikhain sa paghimay ng mga salita para maihayag nila ang gustong sabihin. Inaayon ito batay sa gamit at konteksto nang nagsasalita. Kitang-kita rin ang mga ganitong pagkakataon sa iba pang grupo ng mga salita sa atin. Ang pag-usbong ng “gay language” at “jejemon”, ay isang halimbawa lamang na talagang malikhain at mayaman ang ating kultura.

Kadikit talaga ng wika ang kultura. Ang pag-unawa sa kultura ng ibang bayan ay pag-unawa rin sa kanilang wika. Mahalaga para sa atin na hasain ang sarili sa wikang mayroon tayo sa loob ng bansa, at sa mga wikang naghihintay nating pag-aralan.

Paghingi nang kaunting hangin

Sana naganap din ang pagbuti ng mga residenteng dinala sa Calauan, Laguna. Sana gumanda rin ang daloy sa kanila. Sana umangat din ang lebel ng kanilang paghinga, tulad nang pagtutok ng mga eksperto sa oxygen level ng Estero De Paco.

Marami na ang nagsasabi tungkol sa banta ng nagbabagong panahon. Marami na rin ang nag gagaling-galingan pagdating sa pagsagot sa isyu ng climate change. Kailangan naman talaga makilahok sa mga ganitong isyung lahat tayo ay may kaugnayan.   Dumami ang mga NGOs. Lahat gustong linisin ang mundong dinumihan. Marunong pala talagang mandiri ang tao sa sarili niyang tae.

Isa sa mga halimbawa ng proyektong pang-kalikasan ay ang paglilinis ng Estero De Paco noong 2010. Layunin ng proyektong ito ang isa pang mas malaking proyekto, ang paglilinis ng Ilog Pasig. Naisip ng proyekto na linisin muna ang mga esterong nakaduktong sa Ilog Pasig, bago maisakatuparan ang mas malaking hangarin.

Kung sila ang highway noon ng mga bangka, sila naman ngayon ang kalsada ng mga taeng nagmula sa bahay natin. Lahat tayo sangkot. Lahat tayo may kanya-kanyang kontribusyon kung bakit hindi na isda ang nag-uunahan ngayon sa mga estero. Malaki ang kinalaman ng tao.

Kaya lang mukhang ito ang kadalasang nakakalimutan ng mga ilang proyektong pangkalikasan. Ang tao. Nakakalungkot dahil mas nauunang pang maisip ang tae kesa sa tao.

Sa paglilinis ng Estero De Paco, isa sa mga unang hakbang ang pagpapalipat sa mga taong nakatira sa tinuturing na danger zone. May batas din na dapat ang nakatira sa tabi ng estero ay may pagitang 3 meters na easement.

Pangatlong henerasyon na ang mga pamilyang nakatira sa estero. Kaya naman noong nasabi ang relokasyon sa kanila sa Calauan, Laguna, marami ang nangaba. Marami ang nag-iisip kung saan sila hahanap ng trabaho sa bagong mundo kanilang pupuntahan. May mga kaba rin na baka hindi sila matanggap ng lugar na kanilang pupuntahan. Sila mismong mga residente alam ang tingin ng mga taong nakatira sa estero. Ito na ang matagal na problema ng relokasyon sa bansa. Mabigat at masakit sa panga pag-usapan pero kailangan.

Maraming ginawang test sa tubig ng estero simula noong inilipat ang mga tao sa Calauan, Laguna. Sabi ng eksperto bumuti daw ng bahagya ang tubig. May nakitang pagbabago ayon sa sinabi ng makinang nakalubog sa tubig. Sana naganap din ang pagbuti ng mga residenteng dinala sa Laguna. Sana gumanda rin ang daloy sa kanila. Sana umangat din ang lebel ng kanilang paghinga, tulad nang pagtutok ng mga eksperto sa oxygen level ng Estero De Paco.

Nagbuo ang proyekto ng mga River Warriors. Ang mga miyembro nito ay residente sa mga nasasakupan ng estero. Sila ang taga-bantay at tagapag bigay balita sa mga kapwa residente tungkol sa pagbibigay halaga sa estero. Pero hindi sapat ang pagbuo ng mga grupong ito, kung hindi nasasakop ang buong komunidad. Kung walang pagtutok bago iiwan ang komunidad. Hindi natatapos ang pag-oorganisa sa mga komunidad kapag tapos na ang proyektong linisan ang estero. Ang pinakamatagal na dapat paglaanan ng oras ay ang mga taong naiwan at inagos sa Calauan, Laguna.

Ano nga ba talaga ang naging bahagi ng mga tao o residente sa naganap na proyekto? Kung patuloy natin silang ituturing na problema sa mga isyung pangkalikasan, paano nila magbibigyan ng malasakit at pagmamay-ari ang esterong ito, kung pati ito ay ituturing na pag mamay-ari ng mga may kapangyarihan?