Palayag pa lang

Daungan ang ibig sabihin ng Pritil. Dito nagsisimula ang lahat ng paglalakbay, at pagtanaw sa mga patutunguhan. Nakikita rito ang iba’t ibang klase taong nanggaling sa iba’t ibang lugar. Taglay ng isang Pritil ang samu’t saring kuwentong bitbit ng isang manlalayag. Dito kadalasan umaalpas ang mga kuwentong nasa bagahe ng isang manlalakbay. Binubuksan ng Pritil ang maraming potensyal nang pagsisimula ng panibagong baon para sa mga aalis at kakarating lang.

Sa Pritil, nagsisimula ang lahat ng bagay. Hindi ito naghahanap ng katapusan. Laging nakatanaw ang mga taong nasa Pritil kung paano sila uusad.